Wiki ng Komunidad - Pagsasalin sa Filipino (Filipino)

Translated by:  aceeelnar1004
Verified by: amantelnar3572

Maligayang pagdating sa opisyal na Wiki ng Komunidad ng Pi Network!

Ang mga pahina ng wiki na ito ay na-edit at pinananatili ng Pi Chat Moderator Community at hindi mga opisyal na pahayag ng Pi Core Team. Ang mga Email Request na isinumite sa pamamagitan ng website na ito ay sinusubaybayan ng Pi Core Team.

Ang Pi Network Community Wiki ay inilaan upang matulungan ang Pioneers na i-troubleshoot at malutas ang isyu sa kanilang sarili bago simulan ang kanilang Email Request. Ang layunin ng aming sistema ng Email Request System ay upang mag-ulat ang Pioneers ng mga bug at upang i-troubleshoot ang mga isyu sa bug sa app o sa iyong Pi account na hindi sakop ng Community Wiki. Malugod na tinatanggap ng Core Team ang iyong makabuluhang katanungan at puna.

Dahil sa mataas na dami ng tiket, uunahin namin ang pagtugon sa mga nakabubuting panukala at mga kritikal na isyu na hindi matugunan ng FAQ, Community Wiki, or Chat Moderators, ngunit ang iyong mga mensahe ay susuriin ng mga miyembro ng Pi Core Team.

Para sa mga pangkalahatang tanong tungkol sa Pi Network, halimbawa, kung paano kumita ng Pi, o kung paano gumagana ang Pi App, pakitingnan ang pahina ng Mga Madalas Itanong: https://minepi.com/faq.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa misyon, pananaw, at pangmatagalang diskarte ng Pi Network, pakitingnan ang White Paper: https://minepi.com/white-paper.

Kung mayroon kang mga karagdagang katanungan pagkatapos basahin ang FAQ o White Paper, mangyaring pumunta sa Pi App chat rooms, kung saan maaaring magbigay ang mga Moderator ng Pi Chat ng paglilinaw at gabay sa pag-troubleshoot.

.



Ang nilalaman

 

.


.

2. Paano Mag-sign In - Nakalimutan ko kung paano ako nag-sign up, o Nakalimutan ko ang aking password 

Mahalagang mag-sign in ka sa Pi App sa pamamagitan ng orihinal na pamamaraan na ginamit mo upang irehistro ang iyong account, i.e. Facebook o numero ng telepono na may password. Kung gumagamit ka ng ibang pamamaraan o ibang numero ng telepono mula sa iyong orihinal na pamamaraan habang nagpaparehistro sa account, lilikha ka ng isang ganap na bagong account na wala pang mina ng Pi sa loob. HINDI ito nangangahulugang nawala ang Pi sa iyong orihinal na account. Kung gayon, kung hihilingin sa iyo na maglagay ng una at apelyido o isang username kapag sinusubukang mag-sign in, pakiusap huminto ka. Huwag lumikha ng isang bagong account gamit ang ganitong pamamaraan ng pag-sign in, at subukan ang iba pang pamamaraan (Facebook vs. numero ng telepono) o ibang numero ng telepono mo. 

Pangkalahatan, subukan ang mga sumusunod na paraan upang makita kung maaari mong makuha ang iyong orihinal na account: 

  1. Subukang mag-sign in sa pamamagitan ng Facebook sa pamamagitan ng pag-pindut sa "Magpatuloy sa Facebook."(Kung makatanggap ka ng isang error na magbabalik sa iyo sa  login page, dumaan muli sa proseso.)

  2. Subukang mag-sign in gamit ang numero ng telepono na nauugnay sa account sa pamamagitan ng pag-pindut sa "Magpatuloy sa numero ng telepono".

  3. Kung nakalimutan mo ang iyong password habang "Magpatuloy sa numero ng telepono". o kung hindi mo natanggap ang verification code,subukang gawin ang recover account sa pamamagitan ng pag-pindut sa "Nakalimutan ang password?" o "recover account".

  4. Minsan, ang iyong mga setting ay maaaring makaapekto sa pag-login. Mangyaring subukang mag-sign in sa ilalim ng iba't ibang mga kundisyon (at ito ay magkakaibang pagtatangka upang mag-sign in): 

Pagtatangka sa pag-sign 1: I-off ang iyong telepono at pagkatapos ay muling i-on

Pagtatangka sa pag-sign 2: I-off ang iyong wifi at gumamit ng data

Pagtatangka sa pag-sign 3: Subukan gamit ang iyong VPN on (o off)

Bumalik sa itaas

.

4. Security Circle

Paano ako makakapagdagdag sa aking Security Circle?

Pagkatapos ng tatlong 24 na oras na cycle ng pagmimina,magagawa mong magdagdag ng mga miyembro sa iyong Security Circle.

Dapat ay maidagdag mo ang iyong mga miyembro ng earning team sa iyong Security Circle sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubiling ito:

  1. Pindutin ang shield icon sa home screen

  2. Pindutin ang "magdagdag ng kasalukuyang gumagamit ng Pi" na pindutan

  3. Pindutin ang orange na "i-dagdag" na pindutan sa tabi ng kanilang pangalan   

At pagkatapos ay dapat mayroong isang berdeng marka ng tsek sa kanilang pangalan, na nakumpleto ang proseso!

Paano ako makakapagdagdag sa aking Security Circle mula sa aking mga contact sa telepono?

Maaari kang magdagdag ng isa pang Pioneer sa pamamagitan ng pag-pindut sa "ADD MULA SA CONTACTS" na pindutan kung ang taong iyon ay nakarehistro sa kanilang numero ng telepono. Minsan, maaari kang makakita ng isang berde na Pi logo sa kanilang pangalan, o maaari mo lang malaman na sila ay isa nang Pioneer. Pindutin ang kanilang pangalan, at pagkatapos ay Pindutin ang "Kumpirmahin".

Paano ako makakapagdagdag sa aking Security Circle mula sa aking mga kaibigan sa Facebook?

Sa kasalukuyan, wala pang paraan para magdagdag ang mga Pioneer ng iba pang mga na-verify na Pioneer sa Facebook maliban kung sila ay nasa earning team na o kung napatunayan din nila ang kanilang numero ng telepono.

Gaano karaming mga tao ang maaari kong idagdag sa aking Security Circle?

Kung nagdagdag ka na ng 5 miyembro sa iyong Security Circle, pagkatapos nakamit mo ang maximum na bilang ng mga miyembro ng iyong security circle na maaaring maipon sa iyong base mining rate. Maaari ka pa ring magdagdag ng maraming tao sa iyong security circle, ngunit ang mga karagdagang kasapi na lampas sa 5 ay hindi mag-aambag sa isang pagtaas sa iyong rate ng pagmimina. Ang iba pang paraan upang madagdagan ang iyong rate ng pagmimina ay upang mag-imbita ng maraming tao sa iyong earning team sa pamamagitan ng mga bonus. Pi rewards para sa mga Pioneer bilang kontribusyon sa parehong seguridad (Security Circle) at paglago (Earning Team) ng network.

Mangyaring tandaan na sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang tao sa iyong security circle kinukumpirma mo na ang tao ay isang tao na pinagkakatiwalaan mo, at ito ang dahilan kung bakit kumita ka ng bonus sa rate ng pagmimina.

Paano kung wala akong maidaragdag sa aking Security Circle?

Maaari ka pa ring manatili sa application at mag-mina ng Pi. Kung magdagdag ka ng mga tao sa iyong Security Circle, tataasan mo ang iyong rate ng pagmimina.

Bumalik sa itaas

.

19. Roadmap

Ang Pi Network ay natatangi sa ating teknolohikal at disenyo ng ecosystem pati na rin ang kahalagahan ng input ng komunidad sa ating pag-unlad. Ang pagiging natatangi na ito ay pinakamahusay na naihatid ng isang maalalahanin at umuulit na diskarte na nagbibigay-daan para sa feedback ng komunidad, pagsubok ng mga produkto, mga feature, at karanasan ng user, at mga yugto na tinukoy ng mga milestone. May tatlong pangunahing yugto sa ating pag-unlad: (1) Beta, (2) Testnet, at (3) Mainnet

Phase 1: Beta

Noong Disyembre 2018, inilunsad natin sa publiko ang ating mobile app sa iOS App store bilang isang alpha prototype na nag-onboard sa mga unang Pioneer. Noong Pi Day, Marso 14, 2019, na-publish ang orihinal na Pi whitepaper, na minarkahan ang opisyal na paglulunsad ng Pi Network. Sa yugtong ito, pinayagan ng ating app ang mga Pioneer na minahan ng Pi sa pamamagitan ng pag-aambag sa paglago at seguridad ng hinaharap na blockchain ng Pi. Dahil ang layunin sa wakas ay ilunsad ang Mainnet at bumuo ng ecosystem sa paligid ng Pi platform, ang Pi app na tumatakbo sa sentralisadong Pi server ay nagbigay-daan sa mga user ng mobile phone (Pioneers) na mag-ambag ng kanilang mga security circle na, sa pinagsama-samang, bumuo ng trust graph na kinakailangan ng consensus algorithm ng Pi Blockchain, at bilang kapalit, nakatanggap ang mga Pioneer ng mga reward sa pagmimina. Higit pa rito, pinahintulutan ng sentralisadong yugto na lumago ang network, mabuo ang komunidad, at ang Pi token ay naa-access at malawak na maipamahagi. Ang bahaging ito ay nagpapahintulot din sa pag-ulit ng maraming teknikal na tampok at karanasan sa Pioneer sa pamamagitan ng pagamit ng input ng komunidad sa buong proseso ng pag-unlad.

  • Ang mga sumusunod na pangunahing tagumpay ay ginawa sa panahon ng Beta phase:

  • Ang Pi Network mobile app ay nakalista at naa-access sa pamamagitan ng iOS App Store at Google Playstore.

  • Ang Pi Network ay lumago mula 0 hanggang sa mahigit 3.5 milyong engaged na Pioneer.

  • Ang komunidad ng Pi Network ay aktibong nakikipag-ugnayan sa proyekto sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan sa home screen ng app at chat app.

  • Naabot ng Pi Network ang 233 bansa at rehiyon sa buong mundo.

Phase 2: Testnet

Nagsimula ang yugtong ito noong Marso 14, 2020, na minarkahan ang isa pang kritikal na paghahanda sa paglipat sa isang desentralisadong blockchain—isang live na Testnet na may mga distributed na Node mula sa buong mundo. Pinagana ng Node software ng Pi Network ang mga indibidwal na computer na suportahan ang pagpapatakbo ng Pi Testnet gamit ang Test-Pi coin. Available lang ang Test-Pi para sa layunin ng pagsubok at walang kaugnayan sa mga balanse ng account ng Pioneers sa Pi app. Ang Pi Testnet ay umabot na sa mahigit 10,000 ganap na gumaganang Node ng komunidad at higit sa 100,000 araw-araw na aktibong Node sa listahan ng naghihintay, at gaya ng ipinaliwanag sa susunod na seksyon, ay patuloy na iiral para sa mga layunin ng pagsubok sa yugto ng Mainnet.

Nagbibigay-daan ang Pi Testnet para sa pagsubok ng pagkakakonekta, performance, seguridad, at scalability ng blockchain, at pinapayagan ang mga developer ng Pi app na bumuo ng mga Pi app bago nila mai-deploy ang kanilang app sa Mainnet. Sa yugto ng Testnet, 3 pangunahing diskarte ang pinagtibay: (1) desentralisasyon sa pamamagitan ng Testnet Nodes, (2) paglago sa pamamagitan ng pangunahing Pi app para sa mobile mining, at (3) paggawa ng utility sa pamamagitan ng platform ng Pi apps sa Pi Browser. Tumakbo ang Testnet kasabay ng Pi mobile mining app mula sa Phase 1 at pinagana ang mga desentralisadong Node ng komunidad na makapag-online at handa para sa Mainnet. Sa partikular, ang Testnet Nodes ay tumulong sa pagtatasa ng pagganap, seguridad, at scalability ng blockchain. Nakatulong din ito sa mga developer ng Pi App na subukan ang kanilang mga app laban sa Pi Blockchain. Kasabay nito, ang Pi mobile mining app ay nagpatuloy sa pag-onboard ng milyun-milyong Pioneer, pagbuo ng komunidad at pag-aambag sa seguridad ng blockchain. Ang Pi Browser, kasama ang Pi SDK, ay nagbigay-daan sa komunidad na lumikha ng mga utility at bumuo ng Pi ecosystem.

Ang mga sumusunod na pangunahing tagumpay ay ginawa sa yugto ng Testnet:

  • Maraming bersyon ng Node software ang inilabas.

  • Inilabas ang Pi Platform kasama ng mga pangunahing sangkap ng ating imprastraktura ng ecosystem: Wallet, Browser, Brainstorm at mga tool ng developer.

  • Ang pilot na bersyon ng KYC app ay ipinakilala sa Pi Browser.

  • Ang proyekto ay nagpatakbo ng una nitong pandaigdigang online na Hackathon kasama ang libu-libong mga kalahok mula sa loob ng Pioneer Community.

  • Ang Pi Network ay lumago sa mahigit 29 milyon na nakatuong Pioneer, at mula 0 hanggang sa mahigit 10,000 ganap na gumaganang Node ng komunidad at mahigit 100,000 araw-araw na aktibong Node sa listahan ng naghihintay.

  • Naabot ng Pi Network ang halos lahat ng mga bansa at rehiyon sa mundo.

Phase 3: Mainnet

Sa Disyembre 2021, magiging live ang Mainnet ng Pi blockchain. Ang paglipat ng mga balanse ng Pioneer mula sa kanilang account sa mobile phone patungo sa Mainnet ay magsisimula sa panahong ito. Ang pagpapatotoo ng KYC ng isang Pioneer ay nauuna sa kanilang paglipat ng balanse sa Mainnet. Upang makapagbigay ng sapat na oras para sa milyun-milyong Pioneer na matagumpay na makumpleto ang kanilang pag-verify sa KYC, lumikha ng mga utility sa Pi ecosystem, at patuloy na umulit sa aming teknolohiya at disenyo ng ecosystem, ang Mainnet ay magkakaroon ng dalawang panahon:

  1. sa una, may firewall na Mainnet (ibig sabihin, ang Enclosed Network),

  2. at pagkatapos, buksan ang Mainnet (i.e., ang Open Network).

Ang Enclosed Network

Magsisimula ang panahong ito sa Disyembre 2021. Ang panahon ng Enclosed Network ay nangangahulugan na ang Mainnet ay live ngunit may firewall na pumipigil sa anumang hindi gustong external na koneksyon. Magagawa ng mga pioneer na maglaan ng oras sa KYC at ilipat ang kanilang Pi sa live na Mainnet blockchain. Ang anumang balanseng inilipat sa Mainnet ay maaaring gamitin, sa pamamagitan ng pagpili ng Pioneer, upang bumili ng mga produkto at serbisyo sa Pi app, ilipat sa iba pang mga Pioneer, o ma-lock sa loob ng mahabang panahon para sa mas mataas na rate ng pagmimina. Malayang magagamit ng KYC'ed Pioneers ang kanilang Pi sa Mainnet sa isang nakapaloob na kapaligiran sa loob ng Pi Network. Gayunpaman, hindi papayagan ng panahong ito ang koneksyon sa pagitan ng Pi blockchain at iba pang mga blockchain.

Mga Advantages ng Dalawang- Yugtong Pagdulog sa Mainnet

Mayroong maraming mga pakinabang sa pagkakaroon ng isang intermediate na nakapaloob na panahon upang umakyat sa ganap na bukas na Mainnet. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay ng oras para sa:

  • milyon-milyong mga Pioneer sa buong mundo na pumasa sa KYC,

  • pagbuo at pag-deploy ng mas maraming Pi Apps at nagpapahintulot sa mas maraming utility na malikha at magamit,

  • paglipat ng Pi Apps na naka-deploy sa Testnet patungo sa Mainnet, at

  • umuulit sa anumang mga pagbabago at pagsasaayos sa Mainnet at sa ecosystem bago ang Open Network.

 

Bumalik sa itaas

.